Thursday, January 11, 2018

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik (Tekstong Argumentatibo)

Huwag abusuhin, Teknolohiya natin

   Tayo ngayon ay nasa makabagong panahon na, kung saan nakadepende na sa teknolohiya ang mga gawain ng tao. Ang teknolohiya ay isang imbensyon sa paglapat ng kasangkapan, kagamitan, makina at proseso upang mapadali ang pang-araw-araw na gawain ng tao. Umuunlad na nga ang ating panahon ngayon. Marami na ang mga bagong teknolohiya gaya ng cellphone, computer, iPod, MP3, MP4 at iba pa. May iilan na nagtatalo kung nakabubuti o nakasasama ba ang epekto ng teknolohiya sa ating lipunan. Ngunit marami rin namang pabor sa pag-angat ng teknolohiya sa kadahilanang nagbibigay ito ng magandang dulot sa pamumuhay ng mga Filipino. Ngunit minsan ay nasosobrahan na sa paggamit ang mga tao at wala na sa lugar gaya kapag nasa hapag-kainan ang buong pamilya at ang bawat isa ay gumagamit ng cellphone.

Ang mga kabataan ang lubos na apektado ng mga nega­tibong epekto ng teknolohiya. Ang iba ay napababayaan na ang kanilang pag-aaral dahil naaadik sa paglalaro ng mga games sa kompyuter. Lubos ngang umuunlad ang teknolohiya nga­yon ngunit lagi nating tandaan na hindi puro mabuti ang nadudulot nito. Kaya huwag nating abusuhin ang paggamit ng teknolohiya at kung kaya nating balansehin ang paggamit ng teknolohiya, gawin natin!

No comments:

Post a Comment