Monday, January 8, 2018

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik (Tekstong Naratibo)

"Pusa"

  Isang araw may dalang pusa ang Tito ko, nagulat ako dahil wala akong hilig sa hayop, isang pusa na nagngangalang "Monica". Naalala ko pa nga nung may kuwago, oo, "owl", na nahuli doon sa may tulay sa amin malapit sa bukid, tinititigan ko lang yun hanggang sa nung kaya nang lumipad nung kwuga ay nakikisama lang akong tumingin sa papalipad na ibon.
  Pagkatapos, araw ding iyon ay hinawakan kolang yung ulo nung pusa hanggang sa makatulog. Dun na nag-umpisa yung hilig ko sa pusa. Dumaan ang ilang linggo ay nabalitaan ko na lang na nanganak siya. Kaya pala nagtataka ako bakit malaki ang tiyan niya kahit gutom siya at naghahanap pa lang ng makakain. Lumabas ang una niyang anak, sobrang payat nun. Sumunod naman dun yung isa na mukha namang malusog. Binigyan namin ng pangalan yung nauna, "Panget" ang binigay naming pangalan sa kaniya. Dahil parang ang payat niya para maging kuting, pero 'di ko alam kung bakit ayun lang ang dahil kaya ayun yung binigay naming pangalan sa kaniya.
Siya yung unang pusa at alagang hayop na nakasundo ko, sabi ko nga kamukha niya si garfield kaso mapayat siya. Orange kasi yung kulay ng balahibo niya tsaka may puting mga linyang balahibo sa buong katawan niya, na malayong kulay sa balahibo nang nanay at kapatid niya. Lalake yung kasarian niya, kaya mas malikot at aktibo siya kesa sa kapatid niya at sa nanay niya na parehas na babae.

    Palagi niyang kinakagat yung daliri ko pero hindi masakit, yung tipong nilalaro niya lang. Siya yung nakapagpa-alis sa takot ko sa mga hayop. Isang araw nung umuwi na yung pinsan ko kasama yung mama niya galing sa apartment sa mandaluyong. Matapos ang limang araw nagustuhan ng nanay ng pinsan ko si Panget at dinala niya ito sa Lola nila, sa mama nang mama niya. Ang gulo diba? Hahahahahah. Matapos ang isang taon at mga buwan na ang nakalipas. Yung pinakapaborito kong alaga na si panget, namatay na daw. Akala ko nalason siya dun, pero narinig ko sa pinsan ko "Nakipag-away siya sa malaking aso, umuwi siyang duguan"(nakauwi pa siya) at nakita daw siya na patay sa may daanan bandang hapon.

No comments:

Post a Comment