Sunday, January 14, 2018

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik (Tekstong Prosidyural)

Paggawa ng Blog.

    Ang paggawa ng blog ay isang paraan upang maipahayag ng isang tao ang kanyang saloobin. Maraming uri ng blog depende sa paksa na iyong tatalakayin. Isang magandang niche ay showbiz dahil popular na ito kahit saang sulok ng bansa. Lumilikha ang tao ng blog ayon sa kanilang nakahiligan, halimbawa ikaw ay mahilig sa mga games magandang gawing paksa ito sa mga nagsisimulang mag blog. Kung ikaw ay mahilig mag drawing or mga fashion lahat ito ay pwede basta tiyaking may magbabasa ng iyong blog.
Mga hakbang sa paggawa ng blog:
Mag Rehistro Ng Google Acount, mag sign in sa iyong google acount. Pinadali ng google ang kanilang serbisyo, hinde mo na kaylangan mag sign up para magkaroon ka ng blogger account. Pinagsama na nila ang kanilang mga produkto. Pumunta lamang sa www.blogger.com mag sign in gamit ang iyong google acount upang mapunta ka agad sa iyong blogger acount dashboard. Ngayong meron ka ng blogger acount pwede ka ng gumawa ng sarili mong website.
Pumili lamang ng gustong pamagat o blog na gustong isulat. Sa address tignan kung available ang napiling address at kapag ayos na pindutin ang create blog. Congratulation! ngayon meron ka ng sariling website pero wala pa itong laman.

Sa paggawa ng post sa website Click lang ang post o new post upang makalikha ng laman ang iyong website, kung ikaw ay natapos na pwede mo na itong i-publish. Ibahagi ito sa google plus upang mabasa ng mga readers. Invite ang mga friends upang bisitahin ang iyong website.




No comments:

Post a Comment