"Grab at Uber, Malaking Tulong o Dagdag Perwisyo?!"
Pinatawan ng tig-limang milyong pisong multa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang mga transport network companies na UBER at GRAB. Ito ay dahil sa patung-patong na paglabag sa Terms of Accreditation na inilatag ng ahensya.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, hindi nila pinatigil ang operasyon ng dalawang kumpanya pero kinakailangan nilang magbayad ng multa dahil sa paglabag.
Lumalabas na parang Illegal pa rin ang mga kumpanyang Grab at Uber. Kaya naman, Upang makabalik na sa mga kalsada, nagbayad ng P190 milyon ang ridesharing company Uber sa Land Transportation Franchise and Regulatory Board. Nagtungo ang mga kinatawan ng Uber sa tanggapan ng LTFRB upang magbayad ng multa na naka tseke.
Sinuspinde ng LTFRB ang Uber nitong Agosto 14, 2017 dahil sa iba’t ibang violations.
Inalok naman nila ang ridesharing company na magbayad ng multa upang hindi na bunuin ang isang buwan na suspensyon.Mapupunta umano ang pera sa national treasury. Isa si Senate Committee on Public Services chair Sen. Grace Poe sa mga nadismaya sa pagsuspinde ng LTFRB sa uber dahil libu-libong mananakay ang apektado sa suspensyon. Una nang nagbayad ang Uber at ang isa pang ridesharing company na Grab ng P5 milyon na multa nitong Hulyo.



No comments:
Post a Comment